I Have Decided To Follow Jesus Song Story

I Have Decided To Follow Jesus Song Story

I Have Decided To Follow Jesus Song Story

I Have Decided To Follow Jesus Song Story ay isang testimony na dapat malaman ng bawat Kristiyano.

Origin

Ang himno na ito ay nagmula sa Assam, India. Ang lyrics ay nanggaling sa mga huling salita ni Nokseng bago siya patayin kasama ng kanyang buong pamilya, siya’y mula sa tribo ng Garo sa Assam.

Welsh Revival To India

Ang great revival sa Welsh 150 years ang nakalilipas ay nag-raised ng mga missionaries. Dahil dito, naabot ng Ebanghelyo ang Northeast India sa pamamagitan ng mga missionaries na ito. Ang lugar na ito na nasa Assam ay mayroong mga agresibong tribo o head-hunters.

Welsh Revival

 

Story

Sa kabali ng mga oposisyon, ibinahagi pa rin ng mga missionaries ang Ebanghelyo sa mga tribong ito. Ang isa nga sa kanila ay nakapag bahagi kay Nokseng, sa kanyang asawa, at dalawang anak. Tinanggap nila si Hesus. Dahil dito, maraming tao sa kanilang nayon ang sumunod kay Hesus.

Nang marinig ito ng pinuno, tinipon nito ang lahat ng mga taganayon. Tinawag niya si Nokseng at hiniling sa kanyang talikuran ang kanyang pananampalataya o haharapin niya ang kamatayan.

Naantig siya ng Banal na Espiritu at sumagot na, “I have decided to follow Jesus. No turning back, no turning back.

Ang galit na galit na pinuno ay nag-utos na tirahin ng palaso ang dalawang bata. Natusok ng mga pana ang dalawang bata at agad na namatay. Muling hiniling ng pinuno kay Nokseng na tanggihan ang kanyang pananampalataya kung nais niyang iligtas ang kanyang asawa.

Ang tugon ni Nokseng, “Though no one joins me, still I will follow. No turning back, no turning back.

Pinatay din ang kanyang asawa. Humingi ang pinuno ng huling pagkakataon na tanggihan ang kanyang pananampalataya at siya’y mabubuhay. Masayang sinabi ni Nokseng, “The cross before me, the world behind me. No turning back, no turning back.

I Have Decided To Follow Jesus Song Story
I Have Decided To Follow Jesus Song Story

Agad siyang pinatay katulad ng kanyang pamilya. Ngunit ito ay nagdulot ng malawakang revival sa kanilang lugar, simula sa pinuno. Ang pinuno ay labis na nabalisa dahil sa pananampalataya ng lalaking ito. Hindi niya maintindihan kung bakit ibinigay ni Nokseng, kanyang asawa, at dalawang anak ang kanilang buhay para sa isang Taong nabuhay mga dalawang libong taon na ang nakalipas. Kaya’t nais din maranasan ng pinuno ang pambihirang kapangyarihan sa likod ng pananampalataya ng pamilyang ito.

Hinipo ng Banal na Espiritu ang pinuno at kusa siyang nagtapat, “Ako rin ay kay Kristo Hesus!” Nang marinig ng mga taganayon ang kanilang pinuno na nagpahayag ng kanyang pananampalataya, ang mga taganayon ay sumunod at nanampalataya na rin.

Publication

Natuklasan ng hymnologist na si William J. Reynolds ang kantang ito noong 1958. Inayos niya ang himig at inilathala ito sa Assembly Songbook (Nashville, 1959).

Conclusion

I Have Decided To Follow Jesus Song Story. Kamangha-mangha kung paano ang isang tao na walang alam sa kabila ng mga hangganan ng kanyang nayon ay naging isang ebanghelista.

Ang kanyang katapatan ay makikita sa bawat salitang binitiwan niya sa harap ng kamatayan. Nawa’y maging inspirasyon sa mga Kristiyano ang storya ng kantang ito at magkaroon ng panibagong lakas upang maglingkod pa sa ating Panginoon.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *